Billy at Coleen, ‘di sanay mag-celebrate ng Valentine’s Day

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni ADOR SALUTA

ILANG buwan na lang at magiging Mrs. Crawford na si Coleen Garcia ng It’s Showtime host na si Billy Crawford.

Bagamat busy na ang soon-to-be-husband and wife sa preparasyon para sa kanilang kasal, tumanggap pa rin si Coleen ng movie projects gaya ng palabas nang Sin Island. Ayon sa dalaga ng makapanayam ng PEP, hindi naman daw siya nangangarag.

BILLY AT COLEEN copy copy

“Ganyan lang talaga ako, chill. Pero deep inside…” na tila ibig sabihi’y gipit na rin siya sa oras at agad naalalang, “Oh my gosh! Wala pang invitations!” sabay tawa.

“Pero kalma. Sa showbiz naman, sanay tayo sa last minute, eh.”

Nakatakda ring magtungo sa Hong Kong si Coleen para kunin ang kanyang wedding gown na gawa ng isang Israeli designer.

Pero lampas pa sa kanyang big day ang pinaghahandaan ni Coleen, ang kanyang pagiging maybahay.

Nang mapag-usapan ang pagbibigay ng priority sa partner, sabi ni Coleen, “Ang hierarchy niya dapat is God, your partner, then your children. Even before your children, dapat your partner talaga muna. Kapag depressed siya, and then hindi mo maasikaso kasi busy ka and everything, hindi mo talaga masisisi kung hahanapin niya sa iba. So you really have to be there for him.”

Sabi pa dalaga, hindi daw sila sanay mag-celebrate ng Valentine’s Day ni Billy gaya ng ibang couples, dahil mas nagdiriwang sila ng kanilang romantic gestures sa kanilang anniversaries.

Ikinuwento niya ang unforgettable at magastos na date nila.

“Pinakana-surprise ako nu’ng nag-book siya ng chopper and then nag-fly kami to Tagaytay to have a meal and nagpa-massage kami sa spa.”

Nag-hire si Billy ng helicopter dahil sa matinding trapik pabalik ng Maynila. Gusto niyang makabalik sila ng Metro Manila in time for a simple but unforgettable bonding moment at home.

“We went back just in time to watch ‘yung first Maalaala Mo Kaya episode ko na ipinalabas that same day. Very thoughtful lang, kasi naisip niya ‘yung importance na mapanood ko ‘yun.’Yun ang pinaka-sweet for me,” sabi pa ni Coleen.