Angelica vs Ellen Adarna sa IG

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

DEACTIVATED ang Instagram (IG) account ni Ellen Adarna as of Tuesday evening. Nang bisitahin namin ang account niya, “User not found” at “No Posts Yet” ang nakasulat.

ANGELICA copy copy

Deleted na ang lahat ng kanyang posts, pero lumilitaw pa rin sa itaas ng IG account niya ang kanyang 3.2M followers.

Ang last post ni Ellen ay eksena nina Brad Pitt at Anthony Hopkins sa pelikulang Meet Joe Black at moving on ang topic. Ang feeling ng mga nakabasa sa last post ni Ellen, sagot niya ‘yun sa post ni Angelica Panganiban, ang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz.

Ipinost kasi ni Angelica ang libro ni Beau Ang na Para Kay Ex na si Angelica pa ang sumulat ng foreword. ‘Tapos ang caption sa post, “Wala ka bang date ngayong Valentine’s Day? Eto na lang kaya pagtripan natin? Bumili tayo ng libro.

‘Tapos maglaro tayo. Ng feelings. ‘Yung parang ginawa lang ng mga EX natin.”

Siguradong may mga kasunod na tsika ang pagde-deactivate ni Ellen ng IG account niya at ang post ni Angelica, hintayin natin.