Ang mga fake ayaw tumigil – Kris Aquino

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

BINISITA namin ang Instagram account ni cess_lime143, ang troll na nagbintang na magnanakaw daw si Kris Aquino na sinagot at in-expose ng Queen of Online World and Social Media. Pero hindi na namin nakita sa kanyang display picture (DP) ang retrato ng blogger na si Jessica Ricks na ginamit nito.

KRIS copy

Sa halip, bouquet ng red roses na ang DP na hindi namin alam kung may kinalaman ito sa pag-i-expose sa kanya ni Kris.

Hindi na uli nag-react si Kris na mabilis na nakapag-move on sa isyu, kaya lang may pumalit agad na tinawag ni Kris na fake. Humirit kasi ito na nagpapaka-blogger daw si Kris at sana tinanggap na lang nito ang offer ng Dos.

Sagot ni Kris, “Ang mga FAKE ayaw pa rin bang tumigil?”

Hahaha! Tama ang editor naming si DMB, napakabait ni Kris pero huwag na huwag lang gagawan ng kasinungalingang kuwento or else makakatikim ang mga sinungaling!

Tiyak na hindi nabasa ni @waterli00 na nabanggit na ni Kris ang tungkol sa ABS-CBN issue, na walang offer ang network sa kanya. Naipaliwanag na ito ni Kris at nabanggit na wala siyang bitterness at naiintindihan niya ang desisyon ng network.

Nagpasalamat na rin ito sa pagbubukas ng tinawag niyang “the online skyway opened for her” dahil na rin sa pagdating ng Digital Age. Kaya hindi man napapanood sa television si Kris, she’s still very much in, sabi nga ng millennials, “slaying online.”