Wanted sa child rape, timbog

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Bumagsak na sa kamay ng batas ang isang 36-anyos na lalaking matagal nang tinutugis ng pulisya, makaraang maaresto sa follow-up operation ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office (PMFC-NEPPO) sa Zone 10, Barangay Abar 1st sa San Jose City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng gabi.

Nadakip sa bisa ng arrest warrant, para sa kasong rape noong Hunyo 4, 2014, si Orlando Mauricio y Mateo, 36, residente sa nasabing lugar.

Nakapiit na si Mauricio at walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantala niyang paglaya.