Tanod naputulan sa pagresponde

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Liezle Basa Inigo

SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Nataga sa balikat at naputulan ng daliri ang isang barangay tanod nang magresponde sa isang kaguluhan sa Barangay Mabalbalino, San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ang barangay tanod na si Orlando Bautista, 49, at residente ng nabanggit na lugar, habang ang suspek ay si Rico Soriano, 38 anyos.

Dumating umano ang biktima sa lugar ng inuman para mamagitan sa gulo, ngunit siya ang napag-initan hanggang sa pinagtataga sa balikat at daliri ng kamay gamit ang Samurai sword na katana.

Dalawang daliri ni Bautista ang naputol sa naturang pananaga, ayon sa pulisya, at kasalukuyang ginagamot ang biktima habang tinutugis pa rin si Soriano.