Spare parts ng MRT, darating ngayon

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Mary Ann Santiago

Darating sa bansa simula ngayong araw ang unang batch ng spare parts na gagamitin ng Department of Transportation (DOTr) para sa pagsasaayos sa mga depektibong bagon ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Ayon sa DOTr, ito ang handog na regalo ngayong Valentine’s Day para sa mga pasahero ng MRT-3.

Sinabi ng kagawaran na simula ngayong araw hanggang sa Biyernes ay darating ang unang bulto ng spare parts.

Sa sandaling maikabit na ang bagong spare parts, unti-unti na umanong makararanas ng mas maayos na serbisyo ang MRT-3.

“Maligayang araw ng mga puso, mga kababayan!” tweet kahapon ng DOTr, gamit ang hashtags na #DOTrPH #SulongMRT3.

Matatandaang inulan ng batikos ang MRT-3 dahil ilang bagon na lang ang pinabibiyahe ay nagkakaaberya pa ang mga ito.