Pagkabuhay ng Phoenix, inaabangan sa PBA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 n.h. — Phoenix vs Meralco
7:00 n.g. — TNT Katropa vs Globalport

PUNTIRYA ng Phoenix na masundan ang morale boosting came-from -behind 74-42 panalo kontra TNT Katropa, sa pakikipagtuos sa Meralco sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Philippine Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

pba copy

Nasa solong ikalimang puwesto taglay ang patas na markang 4-4, tatangkain ng Fuel Masters na makatabla sa ika-4 na puwesto na kinabibilangan ng NLEX at Barangay Ginebra.

Nakatakda ang laro ganap na 4:30 ng hapon.

Isang 3-pointer at winning assist ni Matthew Wright kay Doug Kramer ang kumumpleto sa pagbalikwas ng Fuel Masters mula sa 13-puntos na pagkakaiwan upang manaig laban sa Katropa.

Sa kabilang dako, magsisikap namang makaahon mula sa kinalalagyang ika-9 na posisyon hawak ang barahang 2-9 ang Bolts.

Tatangkain nilang makaahon mula sa kinahulugang tatlong sunod na kabiguan, pinakahuli ang 85-87, pagkabigo sa NLEX Road Warriors upang patuloy na buhayin ang tsansang makaabot ng playoffs round.

Sa tampok na laban, magkasunod sa kanilang pagkakaluklok sa 6th at 7th spots ng team standings, parehas magtatangkang makabalik ng winning track ang Katropa at Batang Pier sa kanilang pagtutuos ngayong ika-7:00 ng gabi.