Lyceum Pirates sa PCCL Finals

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Ni BRIAN YALUNG

NADOMINA ng Lyceum Pirates ang San Sebastian Stags, 82-69, nitong Martes para masungkit ang unang finals berth sa 2018 Philippine Collegiate Champions League (PCCL) Elite Eight tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Mula sa dikitang labanan, 35-30, sa pagsisimula ng second half, pinangunahan ni Jaycee Marcelino ang matikas na opensa ng Pirates sa naiskor na 24 puntos, tampok ang 12 sa second half at 10 rebounds.

Makakaharap ng Lyceum sa championship match ang magwawagi sa duwelo ng Ateneo at San Beda.

Nag-ambag si Mike Nzeusseu na may 13 puntos at 15 rebounds, habang tumipa si Mer Jesper Ayaay ng 12 puntos at limang rebounds at kumabig si NCAA MVP CJ Perez ng 11 puntos.

Nanguna si guard Ran Paule Costelo sa Stags na may 15 puntos at limang rebounds, habang kumana si Alvin John Capobres ng 12 puntos, apat na rebounds at apat na assists.

Iskor:
Lyceum (82) – Jv Marcelino 24, Nzeusseu 13, Ayaay 12, Perez 11, Ibanez 10, Tansingco 7, Caduyac 2, Jc Marcelino 2, Liwag 1, Cinco 0, Pretta 0, Santos 0, Serrano 0

SSC-R (69) – Costelo 15, Capobres 12, Bulanadi 9, David 8, Navarro 6, Calisaan 5, Ilagan 5, Cosari 4, Baytan 3, Baetiong 2, Calma 0, Dela Cruz 0, Valdez 0, Mercado 0

Quarterscores: 19-20, 35-30