La Salle spikers, nais sumosyo sa NU

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Center)
8:00 n.u. — La Salle vs FEU (m)
10:00 n.u. — UP vs Adamson (m)
2:00 n.h. — UP vs Adamson (w)
4:00 n.h. — La Salle vs FEU (w)

AKSIYONG umaatikabo ang masasaksihan sa pagtatagpo ng defending women’s champion De La Salle University sa Far Eastern University sa paglarga ng UAAP Season 80 volleyball tournament ngayon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

VOLLEYBALL copy

Magkakasubukan ang Lady Spikers at Lady Tamaraws ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng labanan ng University of the Philippines at ng Adamson University ganap na 2:00 ng hapon.

Puntirya ng Lady Spikers ang Ikatlong sunod nilang tagumpay para makatabla sa Lady Bulldogs sa pangingibabaw habang magkukumahog naman ang Lady Tamaraws sa kabiguang natamo sa kamay ng Adamson University Lady Falcons sa nakaraan nilang laban.

“Kailangan talaga tiyaga at hindi puro power kaya kailangan talaga ng maturity sa loob ng court,” pahayag ni La Salle coach Ramil de Jesus.

Gaya ng dati, inaasahang sasandigan ng Lady Spikers sa target na ikatlong panalo sina Majoy Baron, Kim Dy, Des Cheng, Tin Tiamzon at sophomore setter Michelle Cobb.

Sa panig ng Tamaraws, sigurado namang mamumuno sa gagawing pagbawi ng FEU sina Bernadeth Pons, Jerrili Malabanan, Chin Basas, Kyle Negrito , Gel Cayuna at Celine Domingo.