KZ Tandingan, ipapanalo uli ang week six sa ‘Singer 2018’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni ADOR SALUTA

INIULAT ni Mario Dumaual sa TV Patrol nitong nakaraang Lunes ang panayam niya kay KZ Tandingan at ikinuwento nito ang pagkakapanalo sa katatapos na episode ng Singer 2018 sa Japan na ang tinalo ay ang sikat na British singer na si Jessie J. 

KZ3 copy

Sabi pa ni KZ, excited na siya sa paghahanda para sa next niyang laban at aniya’y marami siyang gugulatin sa muli niyang pagharap sa jurors ng Singer 2018.

“Mag-isip pa ng mga bagong kanta na gagawin and ‘yung arrangements na gagawin,” sagot nito nang tanungin kung ano ang mga paghahandang gagawin niya.

“I’m going to do something I’ve never done before,” dagdag pa niya, “I’m going to sing something I’ve never sung before. Ito yata ang isa sa pinakamahirap kong ginawa sa buong career ko.”

Gusto ring maipanalo ni KZ ang week 6. 

“Kailangan na medyo mataas pa rin ‘yung rank natin ng second week, kasi kukunin ‘yung average ng dalawang weeks na ‘yun. So in order for me to stay in the competition as a regular contestant, kailangan pasok ako sa top four ng average ranking,” ani KZ.

Dumating na sa Pilipinas si KZ nitong weekend at naging guest siya sa ASAP last Sunday. Kinanta niya ang Rolling In The Deep na nagpanalo sa kanya nitong nakaraang Biyernes.