Kris Bernal, nakita na ang Aurora Borealis

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kris at boyfriend copy

Ni NORA CALDERON

MASUWERTE si Kris Bernal dahil two days bago siya bumalik ng Pilipinas, nakita na niya ang Aurora Borealis sa Iceland.

Iyon ang talagang pinuntahan niya sa Iceland at tiniis niya ang zero degrees at bumiyahe sa kalsadang puno ng snow.

Hindi lahat ng pumupunta roon ay nagkakaroon ng pagkakataong mapanood ang kakaibang pula at berdeng liwanag sa kalangitan. Nakita na rin ito nina Dennis Trilloat Jennylyn Mercado nang pumunta sila sa Iceland last year. Nang gawin nina Piolo Pascual at Yen Santos at ng production group nila ang pelikulang Northern Lights sa New Zealand, hindi pinalad na makita ito.

Kaya labis ang pasasalamat ni Kris sa kanyang boyfriend nang mag-post siya sa Instagram:

“I wouldn’t meet Ms. Aurora without this amazing man right here. He is no photographer, but he’s a five-star chef at his own kitchen. And, I’m not patient on setting up a camera manually. He did a lot of research and study to provide me brilliant photos to post. With his knees in deep snow freezing his fingers, I must give him the credits! @cp3xrry (P.S. Thank you @jb­_deleon for the helpful tips!!!) #NorthernLights #AuroraBorealis #IcelceKB.”

Marami ang nag-comment sa post at natuwa for Kris dahil natupad ang kanyang wish na makita ang Aurora Borealis. Kung gusto ninyong makita ang iba pang photos ng Aurora Borealis, nasa Instagram account ito ni Kris.

Kababalik lang ni Kris from Iceland at back to work na siya sa GMA Network at sa kanyang food business.