Kris Aquino, sinupalpal ang bashers

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

NAGBABAKASYON si Kris Aquino kasama sinaJoshua at Bimby sa Beverly Hills, California pero sinusundan pa rin ng bashers na ayaw yatang makakita ng mga taong maligaya sa buhay. Ngayong araw ang birthday ni Kris kaya kahit may mga nang-aasar, bagamat naaapektuhan, ay hindi niya nakakalimutang mag-enjoy.

Kris copy

Maging sa pagsupalpal sa bashers, halatang enjoy pa rin si Kris.

Pasalamat ang may Instagram (IG) account na si cess_line143 na kahit ginalit niya nang husto si Kris Aquino sa comment niyang “Ang yaman ah! Pero yung pera para (pala) ninakaw lang,” objective pa rin ang pagsita sa kanya. Pero hindi sana nag-react si Kris noong una.

May nagtanong kay cess_line143 kung bakit bitter ito. Ang sagot nito, “I’m not bitter you idiot. Your not watching BITAG kaya hindi mo alam. Actually AQUINO yung mga nagnakaw ng PERA na dapat sa SULU.”

Dito na nagbigay ng reaksiyon si Kris, ni-research at in-expose si cess_line143. Pero sa mga nagpapayo sa kanya na idemanda si cess_line143, may sagot siya.

“I won’t waste the hundreds of thousands of pesos to file a case — it is easy for those to say KASUHAN mo — do you even know the retainer of Atty. Sig Fortun & the hourly rate for the court appearances? Plus the court bond I have to pay? That money will be put to better use in doing good — by supporting Church charities i really believe in.”
 
May sinampulan pa si Kris na sumawsaw sa isyu at nagparinig pa na krimen ang maging kabit. May sagot siya na ikinatawa ng mga nakabasa at obvious na tsinek niya ang account ni @shirtlesspinoy na laging nakahubad sa photos, may abs, patunay na nagwu-workout.

“I can name so many bloggers who do nothing else but try to destroy people’s reputations. So you are saying they are criminals? Regarding the pagiging KABIT kung pinatatamaan mo ‘ko — find someting new to accuse me of. And don’t you read newspapers? The speaker of the House has publicly acknowledged his mistress. And his legal wife has also given a lengthy interview — so by that argument you are saying the man in charge of our legislative body is also involved in a criminal act? Work on your abs — they are impressive. Your logic unfortunately it needs nurturing.”
 
Sumagot pa si shirtlesspinoy na hindi nito pinatatamaan si Kris at gusto lang daw niyang ipunto na walang kriminal na umaamin. Hindi rin daw siya dapat pinag-aksayahan ng panahon ni Kris.
 
“Come on, sayang ang abs kung walang ‘balls’ to match… you wanted to slut shame me — that’s why I replied to your comment. Yung PUMATAY ng TAO, our current president has spoken of it in several speeches & interviews & has actually encouraged it. God really does know how to be FAIR. HE won’t give all to 1 man…remember, I’m no angel — that’s why I’m on my own.”
 
Samantala, nakasulat pala sa display picture (DP) ni cess_line143 ang Fil-Am model Manila/Davao/LA/ Ateneo de Davao/Ateneo de Manila. Pero ayaw maniwala ng followers ni Kris at ni Kris mismo dahil hindi marunong gumamit ng tamang “you’re” at “your” si cess_line143.
 
Ang nakakaloka pa, ginamit ni cess_line143 ang picture ng model at blogger na si Jessica Ricks sa kanyang DP. Lagot ito ‘pag nalaman ni Jessica Ricks na gamit-gamit nito ang kanyang picture.