Hindi po ako nagpagawa ng ilong — Jessy Mendiola

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni ADOR SALUTA

MATAGAL nang usap-usapan ang diumano’y pagpaparetoke ng ilong ni Jessy Mendiola pero dinededma na lang niya ito sa paniniwalang lilipas din ang isyu.

Jessy copy

Pero ayaw siyang tantanan ng ilang bashers kaya sinagot niya ang isang netizen na nagtanong kung sumailalim ba siya sa nose surgery. 

“Mas gusto ko ‘yung mukha mo dati, hindi ko type pagkagawa ng ilong mo sana ‘di mo pinagalaw. Nag-matured ka tuloy just saying,” komento ni @hellowinnieme.

Sinagot ito ni Jessy ng, “@hellowinnieme hind po ako nagpagawa ng ilong.”

Isa pang netizen ang nagtanong ng, “Sure po?? Ganda naman.” 

“@sweetgigay26 yup very sure. I won’t lie about it naman if ever,” sagot ni Jessy.

Well, si Jessy na mismo ang nagsabi na hindi produkto ng ‘salamat po, doktor’ ang kanyang ilong kaya irespeto natin.