Account exec tiklo sa theft

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas – Arestado ang isang 34-anyos na babaeng account executive, na nahaharap sa walong bilang ng qualified theft, makaraan umanong tangayin ang mahigit kalahating milyong piso ng isang catering services company sa Batangas City, nitong Lunes.

Dinakma si Niña Estrella Arce sa bisa ng arrest warrant.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 4:25 ng hapon nang madakip ang suspek sa Barangay 17, Poblacion, bunsod ng reklamo ng Juan Carlo the Caterer, Inc. laban sa suspek, na dati nitong account executive.

Hindi umano ini-remit ng suspek ang bayad ng mga kliyente para sa catering services noong 2015, ayon sa report.