Sports fest, sumipa sa Region 1

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Liezle Basa Iñigo

ALAMINOS CITY, Pangasinan – Aabot sa 15,000 delegado, na kinabibilangan ng mga atleta, coach, at manonood ang nakibahagi sa paglulunsad ng Region 1 Athletic Association Meet (R1AA) 2018 sa Pangasinan, nitong Linggo ng umaga.

Ang pagbubukas ng Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet sa Alaminos City National High School ay pinangunahan ng mga opisyal ng Alaminos at ng Department of Education (DepEd).

Ang naturang sports event ay sinuportahan din ng mga lokal na opisyal ng lalawigan.