Nene, inabuso ng lolo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro Alborote

MONCADA, Tarlac – Isang senior citizen na cashier sa computer shop ang inaresto ng mga awtoridad makaraang abusuhin umano ang isang bata sa Barangay Poblacion 1, Moncada, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Ang biktima, isang Kindergarten pupil, ay sinamahan ng kanyang mga magulang sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek na si Tomasito Barte, 60, may asawa, ng Bgy. Amaronan, Umingan, Pangasinan.

Sa paunang pagsisiyasat ni PO2 Emelyn DC Zalun, dakong 9:30 ng gabi at nasa computer shop ang bata nang dinala umano ng suspek sa kuwarto at doon inabuso.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Moncada Police Station.