Aktres, mahilig kumabit sa may sabit

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

NABUKING namin ang tunay na dahilan kung bakit naghiwalay ang aktres at ang boyfriend na businessman na nakilala rin sa showbiz industry simula nang isama-sama ng una sa events.

Matatandaan na kahit anong kulit ng reporters kung ano ang dahilan ng hiwalayan ng aktres at ng boyfriend ay wala silang sinasabi, wala ring third party dahil wala namang nakikitang bagong kasa-kasama pagkatapos ng hiwalay nila.

Kaya nagulat na kami nang malaman namin na si Aktres pala ang may kasalanan kaya siya iniwan ng businessman boyfriend. Nabuking siya nito na nagpapa-cute sa aktor na kasama niya sa serye noon.

“Si _____ (businessman boyfriend), mabait ‘yun, malaki tiwala niya kay _____ (aktres) kaya maski saan pumunta at anong oras umuwi, okay lang basta’t sasabihin kung nasaan siya. Kasi nga alam naman na magdamagan ang taping,” simulang kuwento ng spy namin.

“’Tapos biglang nawala si _____ (aktres) at si _____ (aktor) sa set. Eh, may karelasyon pala si _____ (aktor), tinatawagan siya ni _____ (karelasyon) hindi raw sumasagot sa cellphone. Kaya itong si _____ (karelasyon) nagduda na, pero pinalampas muna ng ilang araw.

“’Tapos naulit ulit ‘yung ganu’ng senaryo kaya itong si _____ (karelasyon), may pinagtanungan na taong malapit kay _____ (actor-boyfriend) kung nasaan at sino kasama. Sinabi ngayon kung sino kasama, si _____ (aktres), hayun, nagwala ‘yung babae, nag-away sila ni _____ (aktor).

“Ending, nalaman naman nu’ng businessman boyfriend ni _____ (aktres) ‘yung nangyari kasi kumalat ‘yun sa production kaya tinanong kung ano ‘yun, umamin si _____ (aktres), hayun, pagkaamin, iniwan na siya.

“Napansin mo, wala talagang maibigay na dahilan kung bakit sila naghiwalay? Sabi nu’ng businessman boyfriend, kapag nagsalita siya ng hindi maganda, ibubuking niya lahat ang nangyari, kaya itong si _____ (aktres), takot na takot dahil isang buka lang ng bibig ng ex-boyfriend niya, laglag siya.”

Habang nagkukuwento ang aming source ay nagbalik-tanaw kami sa lahat ng kinasangkutang gusot ng kaliweteng aktres na marami ang galit.

Nakipaglaro din siya ng apoy noon sa sikat na aktor na may mataray na girlfriend at nu’ng nabuking siya, nakatikim siya ng masasakit na salita. Ang ikinaloka niya, kamuntikan pa siya nitong saktan.

At heto pa, Bossing DMB, ito palang si Aktres ay kaklase ng mga anak ng producer na kaibigan namin sa isang exclusive school sa Makati City at ugali raw talaga nitong makihati sa mga lalaking may sabit na.

“Mapanira po ng relasyon ‘yan, Tita Reggee, basang-basa ang record n’yan sa school namin dati,” sabi ng anak ng producer na kaibigan namin.

Hmmm, hindi kaya ang aktres din ang dahilan kaya nahiwalay din sa fiancée ang aktor na nakasama niya sa pelikula?

Nananatiling single si Aktres at ang businessman na dating boyfriend niya ay maligaya sa sariling buhay na malayo sa kanya.

“Na-fall out of love nga, ikaw ba naman ang lagyan ng tae sa ulo, hindi ba mawawala ang pagmamahal mo? Ang mga lalaki mataas ang pride n’yan, katwiran nila, ‘niloko mo ako, kaya kitang palitan maski sampu,” sey pa ng source.

Sa kabilang banda, makikita sa malulungkot na mga mata ng aktres kahit nakatawa na malungkot siya. 

Huwag na kasing pasabit-sabit sa lalaking may sabit na, iha.