Sabungero kulong sa manok

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro A. Alborote

LA PAZ, Tarlac – Isang 21-anyos na lalaki ang nasa kustodiya ngayon ng La Paz Police matapos umanong nakawin ang dalawang manok na panabong sa Barangay Rizal, La Paz, Tarlac, nitong Sabado ng hapon.

Ang suspek ay nakilalang si Regie Gamit, ng Bgy. Baculong, Victoria, na nahuli umano sa akto habang itinatakas ang dalawang manok ni Jesus Bernardino, 61, may asawa, ng Bgy. Rizal, La Paz, Tarlac.

Sinabi ng imbestigador na hinintay muna umano ni Gamit na umalis ng bahay si Bernardino bago nito isinagawa ang pagnanakaw.