Ignoranteng Pinoy nakababahala

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Nababahala si Senador Bam Aquino sa ulat na walang sapat ng kaalaman ang maraming Pilipino sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

Pumangatlo ang Pilipinas sa mga bansang “ignorant” sa mga isyung bumabalot sa kanilang bansa, batay sa pag-aaral na isinagawa ng news website na Indy100.

Lumutang sa nasabing survey na pumangatlo ang mga Pilipino sa pinakatiwala sa kanilang posisyon, kahit na hindi tama ang kanilang sagot. Nanguna ang South Africa at pumangalawa ang Brazil.

“Clearly, we need to strengthen quality education and launch a solid attack on disinformation and fake news. Maraming Pilipino ang nalilito sa datos at hindi na nakikilala ang katotohanan,” ani Aquino. – Leonel M. Abasola