Double-decker bus tumaob, 19 nasawi

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

HONG KONG (AP) – Isang double-decker bus ang nawalan ng preno at bumangga sa isang Hong Kong suburb nitong Sabado ng gabi, na ikinamatay ng 19 katao at ikinasugat ng marami pang pa, sinabi ng mga awtoridad.

Ayon sa mga ulat, tumaob ang bus na puno ng mga pasahero at napakabilis ng takbo. Iniimbestigahan na ng pulisya ang driver.

Namatay sa aksidente ang 15 lalaki at apat na babae, at mahigit 60 iba pa ang nasugatan.