Rice crisis sisilipin ng Senado

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Leonel M. Abasola

Itinakda na ng Senado ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa ugat ng kakulangan ng supply ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa merkado.

Sinabi ni Senator Grace Poe na magkakaalaman na kung sino ang nagsasabi ng totoo dahil ipatatawag nila sa imbestigasyon ang mga opisyal ng NFA at Department of Agriculture (DA).

Matutuklasan din, aniya, sa Senate investigation ang mga sindikatong nagmamanipula sa supply ng bigas sa bansa.

Ito na lamang, aniya, ang tanging paraan upang matukoy kung ano ang nangyari sa rice importation program ng pamahalaan.

“Palagi na lang nangyayari ang rice shortage. Bakit umaabot sa ganito? Mayroon bang mga sindikato sa loob na nagpipigil ng tamang datos na ilabas?” tanong ni Poe.

Isa aniyang krimen ang pagpigil sa malayang bentahan o pagtatakda ng tamang halaga ng bigas na pangunahing pangangailangan ng bansa.

Inihayag naman ni Senador Francis Pangilinan ang kanyang pagsuporta sa balak na Senate inquiry sa rice shortage.

“So we would like to encourage this para malaman natin: Number one, do we really have to import; and number two, ano ‘yung sufficiency level; and number three, ang paliwanag sa atin is there is enough commercial rice but of course we would like to make sure that the inexpensive, affordable NFA rice is also present,” pagdidiin pa ni Pangilinan.

  • Roberto Santiago

    GO SEN.POE! It’s high time to know the truth. Magtalaga ng Task Force na siyang sisiyasat at magsurprise inspection sa mga warehouse ng mga traders. Mag-imbistiga rin kung may mga traders nanaman na hindi rehistrado na naghohoard ng bigas. Kawawang mga Pilipino ginagawang gatasan ng buwitreng mga negosyante. Samantalang sila ay lalong yumayaman sa kabila ng paghihirap ng maraming Pilipino. Hindi kaya nagkakaroon ng kasunduan ang NFA at traders sa pagdedeklara ng rice shortage upang pareho silang kumita? This is Trully ECONOMIC SABOTAGE!

  • Hanzel Loba

    Talamak tlaga ang kampihan sa gobyerno dapat isulong at suportahan si Sen. Grace Poe para malaman kung bakit nagkakaroon ng rice shortage sa ating bansa.

  • Zaleth Mando

    NFA and DA Sec. nakakahiya man aminin na binababa nyo ang dignidad para lang takpan ang baho ng gobyerno. Kayo ang naatasan sa posisyon na yan kasi kayo ang mga nakakaalam pero bakit isang tao na si Sen. Grace Poe ang namagitan
    para alamin sino ba sainyo ang nagsasabi ng totoo. Kulang or sapa ba ang supply ng bigas.