Bus nahulog sa bangin, 27 patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

Ambulances carrying the bodies of the victims of a bus accident arrive in East Ciputat, Indonesia, Sunday, Feb. 11, 2018. A packed tourist bus returning from an outing collided with a motorbike and plunged from a hill on Indonesia's main island of Java after its brakes apparently malfunctioned. (AP Photo/Tatan Syuflana)

JAKARTA (AP) – Isang bus na puno ng mga pasahero ang bumangga sa isang motorsiklo at nahulog sa bangin sa isla ng Java matapos pumalya ang brake nito na ikinamatay ng 27 katao, sinabi ng pulisya kahapon.

May 18 iba pa ang naospital sa mga tinamong sugat sa aksidente nitong Sabado, sa Subang, West Java province. Kinukuwestiyon na ng mga awtoridad ang nasugatang driver ng bus.

Sakay ng bus ang mahigit 40 lokal na turista pabalik sa Tangerang, ang satellite city sa katimugan ng Jakarta, mula sa Tangkuban Perahu, isang sikat na mountainous resort, sa West Java.