Mark Bautista, sumulat ng blind item sa libro

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni ADOR SALUTA

INAABANGAN ng showbiz observers ang paglabas ng librong sinulat ni Mark Bautista, ang Beyond The Mark. Pero bago pa man ganapin ang book launching ay usap-usapan na sa showbiz circles ang ilang nilalaman nito.

MARK copy

Ibubunyag ng 34-year-old singer/actor ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago sa publiko.

Last February 6, nakatanggap ang PEP ng screen grab ng ilang pahina mula sa libro ni Mark. Bahagi ito ng chapter na may titulong “Frienshift.”

Sa mga pahinang ito nakasulat ang naging ugnayan nila ng kanyang isang matalik na kaibigan na hindi niya pinangalanan..

Tinawag na “bromance” ni Mark ang closeness nila ng “guy friend” na ito.

Naging dibdiban ang nasabing bromance at sa dalawang pagkakataon daw ay bumigay sila sa tukso at naging intimate sa isa’t isa.

Pagkatapos ng pangalawang pagkakalimot sa sarili ay nangako raw sila sa isa’t isa na hindi na nila iyon uulitin.

Nagawa naman nilang iwasan ang isa’t isa para hindi na maulit ang nangyari at nagawa nilang magdedmahan ng ilang taon.

Hanggang sa subukan muli ng tadhana kung gaano sila karupok nang malasing sila isang gabi.

Noong panahong iyon ay may girlfriend daw ang kaibigan ni Mark, at magkakasama silang um-attend ng party sa isang club.

Halos buong gabi raw ay iniwasan ni Mark at ng kanyang kaibigan ang isa’t isa. Hanggang sa umuwi na ang kapatid at girlfriend ng kanyang kaibigan.

Naiwan daw silang dalawa at nalasing pareho.

“We then got so drunk that I ended up going home with him. I spent the night in his house and we became intimate,” rebelasyon ni Mark.

Kinabukasan daw ay nalaman ng girlfriend ng kaibigan niya ang nangyari sa kanila.

Mismong ang kaibigan daw ni Mark ang umamin sa girlfriend nito dahil sa pagkabigla.

“This started a huge drama between the three of us. It became a spectacle.”

Bagamat wala naman daw silang ginawang “anything extreme,” gumawa na raw ng kanya-kanyang kuwento ang mga tao at agad silang hinusgahan.

Mabilis daw kumalat ang tsismis na ito.

Pero sabi ni Mark, “I kept my silence and allowed myself to be hurt by all the rumors.”

Hindi raw maipagtanggol ni Mark ang sarili dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon.

Ginawa rin daw niya iyon para protektahan ang kaibigan.

Wala rin daw siyang sinabi sa kanilang pinakamalalapit na kaibigan.

Dahil sa sitwasyong iyon, biglang nag-iba ang relasyon ni Mark at ng kaibigan, at maging sa mga iba pa nilang mga kaibigan.

Walang mga pangalang binanggit si Mark sa pagsisiwalat na ito, ngunit marami nang espekulasyon na ito’y isang Kapamilya actor.

May mga lumabas na ring blind items noon sa posibleng nangyari sa kanila ng kaibigan at girlfriend nito.

Bukod dito, marami pang ibang karanasan na ibinahagi si Mark sa kanyang libro, na inaasahang lubos na magpapakilala kung sino talaga siya. Kung siya nga ba’y “straight” o isang BB. Gandanghari.

Sa Valentine’s Day, isa si Mark sa guests sa 25th anniversary concert ni Joanna Ampil na Love Wins, sa BGC Arts Center, Maybank Theater.

Ito ang kauna-unahang public appearance ni Mark mula nang pumutok ang balita tungkol sa kanyang libro.

Nagkataon din kayang “Love Wins” ang titulo ng concert dahil sa gagawing pag-amin ni Mark?

  • asarin

    anu ba ito? parang salacious as in delicious na pagpipistahan ng mga pinoy. hmmm baka in love pa rin si mark kaya nya ginagawa ito, di kaya?