Davao at Hawaii cities partner sa pag-unlad

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Nakatakdang lagdaan ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa City Hall ngayong Lunes ang memorandum of agreement sa pagitan ng Davao City at Kaua’i sa Hawaii.

Lumiham ang City Government of Kaua’i sa Davao City, sa pamamagitan ni Mayor Duterte, na interesado itong makipag-partner sa Philippine City para magbahagian ng best practices sa iba’t ibang larangan tulad ng trade, tourism, disaster response and mitigation, culture, at governance, at iba pa.

Ibinigay ng City Council ang awtorisasyon kay Mayor Duterte para lagdaan ang ordinansa sa regular session noong nakaraang buwan sa Sangguniang Panlungsod. – Yas D. Ocampo