11 sundalo patay sa suicide bombing

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

PESHAWAR (AFP) – Umabot na sa 11 ang bilang ng mga namatay sa suicide bombing sa isang army camp sa hilagang kanluran ng Pakistan nitong Sabado, sinabi ng militar.

Isang opisyal ang kabilang sa mga namatay sa pambobomba, na ikinasugat ng 13 katao at inako ng Pakistani Taliban sa email sa mga mamamahayag.

Tinarget ng mga umatake ang sports area ng isang army unit sa Kabal area ng Swat Valley.