Reconciliation nina Marian at Karylle, ibinuking ni Vice Ganda

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA CALDERON

NAGSIMULA sa blind item sa Twitter ang pagkikita at pagbeso-beso nina Marian Rivera at Karylle.

Sabi sa post: “Two ladies made beso-beso. Masuwerte ang sino mang may picture sa napaka-rare na moment, nakakaintriga pero masaya.”

MARIAN copy copy

Naganap nga ito nang magkita si Marian, kasama ang asawang si Dingdong Dantes, at si Karylle na kasama naman ang manager niyang si Arnold Vegafria, sa dinaluhang opening ng Couturrisimo store ng Dubai-based na fashion designer na si Michael Cinco, sa Greenbelt 5 in Makati.

Naikuwento ito ni Karylle nang tanungin ni Vice Ganda kung ano ang ganap sa buhay niya nang magkita sila sa It’s Showtime. Kaya si Vice ang nagbuking ng nasabing pagkikita nina Marian at Karylle.

“Sabi ni Karylle, nakasalubong daw niya si Marian at gandang-ganda raw siya, kaya nagbeso sila at nasabi ni Karylle, ‘ang ganda naman’,” kuwento ni Vice. “Pagkatapos nasabi ni Karylle na, ‘ang payapa na talaga ng puso namin dahil nagbeso-beso na kami’.”

Pabiro pang sabi ni Vice Ganda, ewan lang kung nagbeso rin si Karylle kay Dingdong, na sinagot naman nito ng “Nag-hi lang ako sa kanya.”

Public knows na naging magkasintahan muna sina Dingdong at Karylle bago dumating sa buhay ng aktor si Marian na humantong nga sa pagpapakasal noong December 30, 2014. Si Michael Cinco ang gumawa ng wedding gown ni Marian noon kaya hanggang ngayon ay close pa rin sila ng international fashion designer.

Pareho nang happily married sina Marian at Karylle, dahil nagpakasal na rin si Karylle kay Yael Yuzon. Kung sina Dingdong at Marian ay mayroon nang two-year old little princess, si Baby Letizia, wala pang anak sina Karylle at Yael.

  • WARONDRUGS^_^

    GANDA NAMAN TALAGA….^_^