Hulascope – January 25, 2018

Filed under Hulascope Balita RSS RSS Feed

ARIES [Mar 21 – Apr 19]
May makakaalitan sa umagang ito. Panatiliing bukas ang isip sa mga posibilidad, at sa pakikipagkasundo.

TAURUS [Apr 20 – May 20]
Malaki ang posibilidad na maging maayos ang isang proyektong sinukuan mo na a few weeks ago.

GEMINI [May 21 – Jun 21]
Huwag masyadong isipin ang nakaaway. Alam mo kung paano siya aamuin, so, ano pa ang hinihintay mo?

CANCER [Jun 22 – Jul 22]
Hindi ka mapapahinuhod sa isang opinyon today. ‘Di mo rin maintindihan kung ano ang nakain mo para maging sobrang tigas ng ulo mo.

LEO [Jul 23 – Aug 22]
Tutukan ang routine chores, professional responsibilities at performance sa trabaho. Baka napapabayaan mo na ang iyong physical fitness department.

VIRGO [Aug 23 – Sep 22]
Maghapong kontrolado mo ang lahat ng bagay, pero umiwas sa pakikipag-diskusyon. Keep your cool.

LIBRA [Sep 23 – Oct 22]
Huwag kang mag-expect ng katiwasayan ngayong araw, hindi mo ito mapi-feel. Beware!

SCORPIO [Oct 23 – Nov 21]
Gagamitin ng kaaway ang iyong kabiguan para sa pansarili nilang kapakinabangan.

SAGITTARIUS [Nov 22 – Dec 21]
Ang iyong financial affairs ay mangangailangan ng efficient thinking.

CAPRICORN [Dec 22 – Jan 19]
Matututo ka today na mag-analyze ng isang mahalagang desisyon sa buhay mo. Wanted: Mahabang pasensiya.

AQUARIUS [Jan 20 – Feb 18]
Hindi maayos ang lahat para sa ‘yo at sa iyong partners. Ipagpaliban muna ang inyong meeting.

PISCES [Feb 19 – Mar 20]
Malilinawan ka today tungkol sa interpersonal relations mo. Kung wala pa rin ang clarity, makipag-heart-to-heart talk ka na lang.