Hulascope – January 24, 2018

Filed under Hulascope Balita RSS RSS Feed

ARIES [Mar 21 – Apr 19]
Isa-isa nang pumupuwesto sa front seat ang iyong profession, career at goal achievement. Congratulations!

TAURUS [Apr 20 – May 20]
Magkakaroon ng confusion at misunderstanding sa mga katrabaho. Huwag pilitin ang iba na gumawa ng pabor para sa ‘yo.

GEMINI [May 21 – Jun 21]
Makaaapekto ang practical issues at usaping pampamilya sa iyong party at bakasyon. Hindi pabor ang araw na ito for you.

CANCER [Jun 22 – Jul 22]
Buhay na buhay ang iyong sense of duty sa mga mahal sa buhay. Teka, malinaw ba sa ‘yo ang iyong duties and responsibilities.

LEO [Jul 23 – Aug 22]
Pipili ka between enjoyable easy activities at nakaka-stress na trabaho. Mag-isip na mabuti bago um-oo.

VIRGO [Aug 23 – Sep 22]
Maganda ang araw na ito para mapaigting ang iyong physical o spiritual balance. Kung magbabakasyon, huwag masyadong magastos.

LIBRA [Sep 23 – Oct 22]
Hindi agree ang iyong personal preferences sa mga pangangailangan at nakagawian ng iyong pamilya. May argumento sa umaga.

SCORPIO [Oct 23 – Nov 21]
Magiging malinaw sa ‘yo today kung sinu-sino ang dapat mong pagkatiwalaan ng iyong mga sekreto.

SAGITTARIUS [Nov 22 – Dec 21]
Maging istrikto sa pagba-budget. Dapat na pinaplano ito upang makaiwas sa sakit ng ulo.

CAPRICORN [Dec 22 – Jan 19]
Kapag kakailanganing pumili sa iyong wants at needs, mas pipiliin mo ang huli.

AQUARIUS [Jan 20 – Feb 18]
Isang sekreto mo ang pipiliting alamin ng isang nagmamalasakit. Wala siya sa lugar, oo, pero ikaw lang ang iniisip niya.

PISCES [Feb 19 – Mar 20]
Hindi malinaw ang future para sa ‘yo. Kailangan mong makipagtulungan sa iba—at maghinay-hinay.