Bus bumangga sa poste: 2 patay, 20 sugatan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni LIEZLE BASA IÑIGO

Dalawa ang patay habang mahigit 20 pasahero ang nasugatan makaraang bumangga sa poste ng kuryente ang sinasakyan nilang bus kahapon.

Sa tinanggap na report ng Balita mula kay Chief Insp. James Acod, hepe ng Tuba Police, dead on the spot sina Melba Suarez, pasahero; at Joseph Ryan Mesana Lalong, konduktor.

Dakong 1:15 ng hapon nang mawalan umano ng kontrol sa kurbadang lugar sa Sitio Bayacsan, Barangay Taloy Sur sa Tuba, ang Victory Liner Bus na minamaneho ni Maximino Alday, Jr. hanggang bumangga ito sa poste ng BENECO (Benguet Electric Cooperative).

Labimpito sa mga nasugatan ang isinugod sa Baguio General Hospital, habang sa iba pang ospital dinala ang iba pa.