A girl is sexy for me ‘pag pinatawa niya ako – Ivan Dorschner

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

NAG-I-ENJOY si Ivan Dorschner sa role niya bilang si Iñigo Sandoval sa The One That Got Away na playboy, bum, ayaw magtrabaho at gusto lang mag-travel at hindi maalala ang pangalan ng ex-girlfriends sa sobrang dami.

IVAN copy copy

“Kaya ayaw magtrabaho ni Iñigo dahil marami siyang minana pati mga business ng family niya minana rin niya, may import/export business ang family niya. But there is a reason for Iñigo’s behavior, he has no family, no family life.

His dad is a philanderer, kaya ganu’n si Iñigo,” description ni Ivan sa kanyang karakter.

Dagdag na kuwento pa niya sa background ng kanyang role, college friend niya si Liam (Dennis Trillo), pero magkalamat ang friendship nila nang ma-in love si Iñigo kay Darcy (Max Collins) na ex nito.

Ang cute ni Ivan nang ipa-rate namin sa kanya sina Max, Rhian Ramos at Lovi Poe.

“I can’t rate and comment about Max because she is married. The same thing with Rhian, I can’t comment and rate her because she has a boyfriend. Also with Lovi, may boyfriend din siya. But they are all deserving with their roles,”sagot ni Ivan.

So, ano ang sexy para sa kanya?

“A girl is sexy for me ‘pag pinatawa niya ako. May sense kausap at ‘pag hindi niya hawak ang phone niya ‘pag kausap ko siya,” magandang sagot ng binata.

As of press time, hindi pa lumalabas ang karakter ni Ivan. Dramatic daw ang entrance niya. Masaya ito dahil English at Tagalog ang dialogue niya, kaya hindi siya masyadong mahihirapan sa delivery ng lines niya.