Pagpapasara sa Rappler kinondena

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Nababahala ang mga senador sa anila’y nakaambang pag-atake sa press freedom sa bansa kasunod ng pagpapasara ng Security and Exchange Commission (SEC) sa online news website na Rappler.

Sinabi ni Senator Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na nais niyang matiyak na ang naging pasya kahapon ng SEC ay hindi makaaapekto sa malayang pamamahayag at sa karapatang magpahayag ng saloobin.

Aminadong hindi pa niya nasusuri ang sinasabing mga paglabag ng Rappler, sinabi ni Poe na kinikilala niya na may mga prosesong kailangang sundin, gaya ng requirements sa mga kumpanya ng media.

“As long as it will not silence and stop groups or organizations’ freedom to express, that’s what I wanted to be assured of… It should not prevent an organization from news reporting, or expressing opinions, that are done in accordance with law,” ani Poe.

Tinutulan naman ni Senate Justice and Human Rights Committee chairman Sen. Richard Gordon ang aniya’y “sudden” na pagbawi sa registration ng news website, at iginiit na dapat na may malinaw at legal na basehan ang SEC sa naging pasya nito.

Tinawag naman ni Sen. Riza Hontiveros ang nabanggit na SEC order bilang “pure harassment” at isa aniyang “sign” ng pagpigil sa press freedom, lalo na at sinasabing kritikal ang Rappler sa administrasyong Duterte.

Sa kanilang panig, nanindigan naman ang Rappler “[to] continue bringing the news, holding the powerful to account for their actions and decisions, calling attention to government lapses that further disempower the disadvantaged.”

  • Mario Pacito

    Sana lang kung anong dahilan ng SEC sa pagpasya nilang tanggalin ang lisensya ng Rappler, ay di un magin grounds para hawakan nila sa leeg ang natitirang mga online news.

  • MayAnn Morado

    Noon palang meron na tayung malayang paghahayag. Anyare ngaun sa inyu SEC? parang Marcos Regime lang ang peg.

  • Anton

    Dapat kasi dinaan nila sa tamang proseso yan. May korte naman tau e. pwede naman maghearing.

  • Rosita G.

    demokrasya dapat ang pairalin ehh. wag kau magpadikta sa gusto ng administrasyong du30. mga makaMarcos yan!

  • Minerva

    Parang sira naman ng SEC na agad agad silang nagbitiw ng desisyon para lng ipamukha sa mga tao, “napipikon ang Du30admin” kaya sa mga bumabanat dito. Sample nlng ang Rappler.