Unico hijo ni Jolo Revilla, binatilyo na

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Reggee Bonoan

“THIRTEEN (13) years? Wow! I can’t believe you’re already 13 years old today. Time really does fly.

“I want you to know I am here for you, to support you all the way. Continue your passion in basketball but never forget to prioritize your studies.

Jolo at Gabriel copy

“Happy birthday, anak! Papa Bong, Momsy, Tita Jodi, Muy and I love you!”

Ito ang pagbati ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa nag-iisang anak niyang si Gabriel (kay Grace Adriano) sa kanyang Facebook account kahapon.

Nakakatuwang makita ang latest photo ng mag-amang Jolo at Gab dahil parang magkapatid lang at magkasing-taas na rin.

Kuwento ni Jolo sa amin noon, mukhang susunod sa yapak ng mga Bautista si Gab dahil nakikita niyang malapit sa tao at mahilig tumulong. Pero sabi nga niya sa post niya, unahin muna ang pag-aaral.

Grade 9 na si Jose Gabriel sa eskuwelahang malapit din sa bahay ng mga Revilla.

Samantala, bukod sa masaya si Jolo sa magandang performance ng anak sa school ay wala na rin siyang problema sa love life dahil smooth sailing ang relasyon nila ni Jodi Sta. Maria at suportado nila ang career ng isa’t isa.

Magiging abala at visible na uli si Jodi sa pagsisimula ng promo ng teleserye niyang Sana Dalawa Ang Puso kasama sina Richard Yap at Robin Padilla.

Lagi silang tinatanong ng madlang pipol kung kailan ang kasal nila na lagi lang nilang sinasagot ng ngiti.