Shooting ng Ryza-JC movie, buwis buhay

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ryza at Jc copy copy

Ni NORA CALDERON

ENJOY ang press people sa panonood ng full-trailer ng Mr. & Mrs. Cruz na unang pagtatambal nina Ryza Cenon at JC Santos sa mainstream.

Pareho na silang napanood sa indie films na ginawa nila. Second mainstream movie naman ito ng director nilang si Sigrid Andrea Bernardo na siyang nagdirek ng blockbuster movie na Kita Kita.

Pero pare-pareho silang na-challenge sa shooting pa lamang nila sa El Nido, Palawan, kaya naipakita nila ang kagandahan ng lugar na paboritong puntahan ng local at foreign tourists.

Ikinuwento ni Direk Sigrid ang buwis-buhay nilang pagsu-shooting sa secret beach, isa sa tourist spots doon, na kailangang umakyat ng 30 feet bago makapasok sa maliit na butas sa kuweba.

Pagpasok sa butas, mababaw lang ang tubig, pero once na makapasok na ay hindi mo na alam kung ano ang nangyayari sa labas. Pero dapat ay alam mo na kapag nag-high tide, lumalaki ang tubig sa loob ng cave.

“Inabutan kami ng ulan doon, wala kaming alam, pero sinabihan na kami ng aming guide na kailangan na naming lumabas, dahil mataas na ang alon sa dagat, gabi pa naman, madilim. Dasal na lamang ang ginawa namin para makaligtas kami dahil mga two hours din iyon na stranded kami sa lugar,” kuwento ni Dutek Sigfrid.

Wala pang nagpapaliwanag, kahit si Direk Sidgrid o sina Ryza at JC kung bakit ganoon Mr. & Mrs. Cruz ang title ng movie gayong hindi naman oala mah-asawa ang roles ng dalawang bida. Pero istorya ito ng dalawang taong pumunta ng Palawan para mag-isip, topic ng movie ang love, marriage, at commitment.

Matagpuan kaya nina Raffy (JC) at Gela (Ryza) ang sagot na kanilang mga hinahanap nang magkatagpo sila sa mala-paraisong lugar Palawan?

Parehong mahusay na artista sina Ryza at JC, nakita na ito sa ginawa nilang projects sa TV at movies. Ipagtatanong pa ba ang kahusayan ni Ryza bilang si Georgia sa Ika-6 Na Utos sa GMA-7?

Dalawa ang theme song ng movie, ang Istorya at Before I Let You Go na inawit nina Carl Guevarra at Nicole Omilio.

Maagang Valentine presentation ang Mr. & Mrs. Cruz ng Viva Films at ng The Idea First Company ng mga director na sina Jun Lana at Perci Intalan, mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide simula January 24.