P2.7-M pera, alahas hinakot ng Tunnel Gang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Fer Taboy

Nilimas ng hinihinalang mga miyembro ng Tunnel Gang ang aabot sa P2.7 milyon halaga ng mga alahas at pera mula sa isang pawnshop sa Santiago City, Isabela, iniulat kahapon.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang Santiago City Police upang madakip ang mga miyembro ng Tunnel Gang na nanloob sa pagdaan sa tunnel ng Carig Pawnshop at nakatangay ng P2.7 milyon halaga ng pera at mga alahas.

Ayon sa imbestigasyon, sinabi ni Martin Cayaban, manager ng sanglaan, na natuklasan na lamang nila na nawawala ang nasabing halaga ng pera at mga alahas nang buksan nila ang vault ng pawnshop at madiskubre ang tunnel na ginawa ng mga suspek.