Kelot nag-ala Samurai sa inuman

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Arestado ang isang 30-anyos na lalaki makaraang manghataw ng Samurai sword sa umpukan ng mga nag-iinuman sa Zone 88, Barangay Abar 1st, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang suspek na si John Paul Cersenia y Matias, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Dakong 11:00 ng gabi umano nang lumapit si Matias sa mga nag-iinuman at hinataw ng dala-dalang Samurai sword o katana si Rogelio Victoria Jr., y Opiana, 44, binata, pintor, ar residente ng nasabing lugar.

Nagtamo ng malalim na sugat sa kanang kamay ang biktima na kaagad isinugod sa ospital.

Pinaghahanap pa ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide.