Kathryn at Daniel, muling nanalo ng award sa Vietnam

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni ADOR SALUTA

MULING pinatunayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sila pa rin ang pinakasikat na love team ngayon. Maging sa ibang bansa tulad ng Vietnam, binibigyang-parangal silang dalawa dahil sa katatapos na 2017 Blue Star Award ay napanalunan nila ang Face of The Year Favorite Foreign TV Actor and Actress awards sa gala night na isinagawa nitong Huwebes ng gabi sa naturang bansa.

daniel at kathryn copy copy

Unfortunately, hindi nakadalo ang Box Office King and Queen (ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards) to personally receive the award dahil busy sila sa taping ng La Luna Sangre.

Ang nasabing award ay second recognition ng KathNiel mula sa Vietnam. Nanalo rin sila ng Best Foreign Actress and Actor noong 2015 Face of the Year Awards na ginanap sa Ho Chi Minh City para naman sa kanilang proramang Got To Believe.

Kinabog ni Kathryn ang kapwa Kapamilya actresses na sina Andrea Torres at Meg Imperial at tinalo naman ni Daniel sina JC de Vera and Mikael Daez on their respective categories.