Has been actor, balak idemanda ng hinawaan ng STD

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

PINAG-IISIPAN ng personalidad na kilala sa modelling industry kung idedemanda niya o hindi ang has been actor na ilang beses niyang nakaniig.

Nahawaan kasi siya nito ng sexually transmitted disease (STD).

Wala silang relasyon, pero kapag type siyang maikama ng has been actor ay tinagawagan siya, nagkikita sila, at may nangyayari nga.

Okay naman daw nu’ng mga naunang araw nilang pagkikita, pero kamakailan ay nagkaroon na siya ng sakit (ayaw banggitin kung anong partikular na STD) na kasalukuyan niyang ipinapagamot.

Ilang beses kinontak ang has been actor para tustusan ang pagpagamot niya pero hindi na siya pinapansin at nabalitaan pang may iba na itong kinakatagpo.

Kaya humingi ng payo ang taong nakaniig ng has been actor sa kaibigang abogado na kilala sa showbiz at pinayuhang idemanda kapag hindi pa rin sumagot sa mga ipinadalang demand letter.

“Panggastos ang kailangan ni _____ (taga-modelling industry), eh, dinededma siya at nagpalit pa ng numero ng cellphone kaya lalong nairita. Mahabang proseso kasi ang gamutan,” kuwento ng aming source.

Inisip namin kung paano tutulong ang has been actor na wala namang regular na trabaho at hindi na nga siya masyadong napagkikita sa telebisyon o pelikula.

“May business yata ngayon si _____ (has been actor), kaso hindi naman din yata okay. Bahala sila. Marami naman siyang ‘ninong’ na mapagkukunan,” sabi ng source sa amin.

Malaking eskandalo ito kapag nagkademandahan.