El Shaddai warehouse nagliyab

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Bella Gamotea

Natupok ang isang warehouse na pag-aari ni El Shaddai religious leader Bro. Mike Velarde at naabo ang tinatayang P2 milyong halaga ng ari-arian sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni Fire Marshal Supt. Robert Pacis, ng Parañaque City Fire Department, nagsimula ang apoy sa isang grocery sa El Shaddai’s warehouse na matatagpuan sa Ambel Street, Barangay San Dionisio ng nasabing lungsod, pasado 12:00 ng madaling araw.

Mabilis na kumalat ang apoy sa gitnang bahagi ng bodega at umabot sa ikalimang alarma ang sunog.

Agad rumesponde ang mga bumbero at naapula ang apoy bandang 3:00 ng madaling araw.

Walang iniulat na nasaktan o nasawi habang patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.