Di ko boyfriend si JM de Guzman — Meg Imperial

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

NAKAUSAP namin si Meg Imperial sa press visit namin sa taping ng Super Ma’am at gaya sa ibang cast, nalulungkot siya na malapit nang magtapos ang action/fantasy series ng GMA-7.

marian at meg copy copy

Pero ipinagpasalamat niya ang chance na makatrabaho si Marian Rivera.

“She’s fun to work with,” sabi ni Meg, “sobrang maalaga sa aming lahat. Kapag nagbabakasyon siya, pagbalik, may pasalubong kaming lahat. Siya ang nag-organize ng Christmas party namin last year at sa cast party sa last taping day namin, siya rin ang mag-o-organize. Isa siya sa mami-miss ko ‘pag natapos na ang taping namin.”

Natutuwa si Meg sa karakter niya sa Super Ma’am dahil bumait na siya at idol na rin niya si Super Ma’am. Hindi na galit sa kanya ang viewers.

Walang kontrata sa GMA-7 si Meg, kaya thankful siya na dalawang magkasunod na ang show niya sa network kahit Viva talent siya. Ang kuwento niya, sa GMA-7 siya nagsimula bilang talent sa Love to Love hanggang napunta sa Viva Artists Agency at nagkaroon ng show sa ABS-CBN.

Hindi namin nakalimutang tanungin si Meg tungkol sa tsika sa kanila ni JM de Guzman. Ang sabi, girlfriend siya nito at malaki ang pasasalamat ng aktor sa kanya dahil hindi niya iniwan noong may personal problem.

“Hindi ko siya boyfriend, friends lang kami. Nanligaw siya before, pero nakipagbalikan siya kay Jessy (Mendiola). Mas focused siya sa work niya ngayon, happy ako for him dahil maraming works ang nakaabang sa kanya,” pahayag ni Meg.