Dela Torre, magbabalik vs ex-WBC Youth champ

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Gilbert Espeña

MATAPOS makalasap ng unang pagkatalo sa puntos, magbabalik sa ibabaw ng ring si dating word rated super featherweight Harmonito dela Torre laban sa walang talong Amerikano na si Devin Honey sa Winna Vegas Resort and Casino, Sloan, Las Vegas, Nevada.

Natikman ni Dela Torre ang unang pagkatalo noong nakaraang Nobyembre 18 matapos siyang mapuntusan ng wala ring talo at maestilong dating Olympian na Mongolian na si Tugstsogt Nyambayar kaya bumagsak ang kanyang kartada sa 19 na panalo, 1 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts.

Ngunit, kaagad siyang inilinya ng Golden Boy Promotions sa mahalagang laban sa walang talong si Honey na may rekord na perpektong 18 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts at dating WBC Youth lightweight champion.

Batambata na 19-anyos lamang si Honey na lumalabas sa junior welterweight division kaya malaki angat niya sa timbang kay Dela Torre na natural na nasa super featherweight division kaya malaki ang lamang niya sa Pinoy boxer.

“Kaya ko siya kahit mas angat sa timbang,” sabi ni Dela Torre sa text message sa Balita. “Ang mahalaga laban ito para sa Pilipinas.”