Arellano booters, humirit sa OT

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

NAKAPAGTALA ng goal si Jumbel Guinabang sa extra time upang ihatid ang Arellano University sa 3-2 panalo sa Game One ng NCAA Season 93 men’s football tournament finals sa Rizal Memorial Football pitch noong Biyernes ng gabi
Tabla ang laro sa 2-2 sa pagtatapos ng regulation, idineliber ng 20-anyos na si Guinabang tie-breaking at winning goal para makuha ang 1-0 bentahe sa best-of-three finals series nila at makalapit sa target nilang ikalawang championship.

Miyembro ng Under-19 Philippine team na sumabak sa ASEAN Football Federation Championship sa Vietnam noong 2015, si Guinabang din ang nagtala ng unang goal sa third minute ng laro.

Naitabla ng Blazers ang laro sa 1-1, matapos ang goal ni Daniel Lozio sa fourth minute bago muling nakalamang ang Chiefs sa pamamagitan ng goal ni Charles Gamutan na sinagot naman ni Renz Tulayba para muling itabla ang laro, 25 minuto ang nalalabi sa halftime.

Pagdating ng second half , naging matindi ang depensa ng magkabilang panig hanggang umentra sa eksena si Guinabang.
Samantala sa juniors division, pinataob ng San Beda ang CSB-La Salle Greenhills, 2-1,upang makalapit sa target nilang ikalawang sunod na titulo at ika-17 pangkalahatang kampeonato.