Angel, payag pa bang makatrabaho si Luis?

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI ESCALA

AYAW na sanang magkomento ni Angel Locsin sa isyung siya raw ang dahilan kaya tinanggihan ni Luis Manzano ang hosting job sa Pilipinas Got Talent.

Angel copy copy

Hindi naman daw siya nakikialam sa anumang desisyon ng ABS-CBN management.

“Sa totoo lang naman, eh, hindi ako nangingialam sa decision-making. Ayaw ko na magbigay ng komento dito ngayong tahimik na ang lahat. Ang alam ko lang talaga merong show na gagawin si Luis.

“Alam naman nating sa galing niya, eh, hindi siya mawawalan ng show. Isa siya sa pinakamagaling na TV host sa Pilipinas,” banggit ni Angel.

Nagtatrabaho lang naman daw siya at kagaya ng ibang Kapamilya stars ay ginagawa lang niya ang anumang ibinibigay na assignment sa kanya ng network.

“Alam naman nila na ginagawa ko lang kung anong ibinibigay sa akin na trabaho. At yun lang ang p’wede kong sabihin tungkol diyan,” sey pa rin ni Angel.

Nang tanungin kung willing pa siyang makatrabaho ang ex-boyfriend…

“Sa akin kasi, eh, nagawa ko nga noon nu’ng kasagsagan ng kaguluhan naman, eh, ngayon pa, di ba? I mean, I don’t see any reason, pero I’m fine naman kung hindi ko siya makatrabaho. Im fine din naman kung kailangan ko siyang makatrabaho,” sagot ng dalaga.

Samantala, tuluyan nang nag-exit si Angel sa La Luna Sangre, pero binanggit niya na malayo pa ang tatakbuhin ng istorya ng top-rating show na pinagbibidahan nina Daniel at Kathryn.

“Actually, na-delay na nga nang na-delay pero kailangan na talagang gawin. It was one hell of a ride to play Jacintha. Kahit ako kasi hinuhulaan ko pa rin kung sino si Jacintha. Na-enjoy ko rin siya.

“Natutuwa din naman ako sa mga reaksiyon ng tao kasi first time ko ding mag-play ng ganu’ng character na medyo antagonist ‘yung dating,” sey pa ni Angel.