4 na wanted nalambat

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Bella Gamotea

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang apat na katao na pawang may kinakaharap na kaso, sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa lungsod, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Leon Victor Rosete, hepe ng Parañaque Police, ang mga suspek na sina Felomino Acosta, 64, ng No. 0637 Wakas, Barangay San Dionisio, nahaharap sa kasong rape; Rizal Gautani y Pilarca, 59, ng No. 88 Creek Drive 2, SAV 8, nabigong humarap sa hukuman; Charles James Ortiz, 24, ng Block 2 Enrique, Factor Road, Bgy. Don Galo, nahaharap sa kasong estafa; at Yu Zhao, 29, ng No. 1101 Toser 2, Bayview Tower Roxas Boulevard, Pasay City, nahaharap sa kasong alarm and scandal.

Base sa ulat, nagsagawa ng SACLEO ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, sa pangunguna ni Senior Insp. Anthony Alising, sa iba’t ibang lugar sa Parañaque City na ikinaaresto ng mga suspek, dakong 10:30 ng gabi.

Nakatakdang iharap sa hukuman ang mga suspek, kasalukuyang nakapiit sa Parañaque City Police, para sa kaukulang disposisyon.