3 teenager huli sa paghithit ng marijuana

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Orly L. Barcala

Inaresto ng mga pulis ang tatlong kabataan, na kinabibilangan ng isang babae, dahil sa lantarang paghithit ng marijuana sa gilid ng kalsada sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga dinakip na sina Ciara Mae Divino, 20, ng Area B. Talipapa, Barangay 164; Renan Zapra, 18, residente ng Rizal Street, Barangay Payatas, Quezon City at 16-anyos na si “Greg”.

Base sa report, nakatanggap ng tawag ang Police Community Precinct (PCP)-Station 7 hinggil sa mga kabataan na humihithit ng marijuana sa Area B Libis Dulo, Caloocan City, dakong 8:30 ng gabi.

Agad rumesponde ang mga pulis at nagkanya-kanyang takbo ang mga kabataan at nasukol ang tatlong suspek.

Nakumpiska sa tatlo ang dalawang nakabalot na marijuana.

Kinasuhan ang dalawa sa mga inaresto ng paglabag sa possession of dangerous and illegal drugs (R.A. 9165), habang ang menor de edad ay dinala sa holding area ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).