Mayor at Paez, magtutuos sa chess tilt sa Cainta

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Gilbert Espeña

MULING magtutuos sa ibabaw ng 64 square board ang dalawang pinakamagaling na dentista sa bansa sa pagitan nina Dr. Jenny Mayor at Dr. Alfred Paez sa pagsulong ng Coffeekoy Pichakai Executive Chess Tournament ngayong Linggo, Enero 14, 2018 sa Coffeekoy Pichakai Coffee Shop, Executive Homes sa Cainta, Rizal.

Magsisimula ang registration ganap na alas-otso ng umaga bago pormal na simulan torneo.

Inaasahan na magsisilbing hadlang kina Mayor at Paez sina Atty. Quirino Sagario, Atty. Generoso Turqueza, Atty. Rudy Artuz, executive Clark dela Torre at Orlando Pascual, Sales Director Samivin V. Delos Santos ng SM Development Corporation at iba pang manlalaro sa one day event na pangangasiwaan ni National Arbiter Alexander “Alex” Dinoy ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP).

“The Organizers reserve the right to accept or reject any entry without assigning any reason,” giit ng organizing committee.

Ang customized Dark Queen Trophy ni pamosong chess enterprenuer/businessman Arturo Turbanada ang pinaka-highlight na paglalabanan ng mga executive woodpushers para sa tatanghaling kampeon sa pagbubukas ng taong 2018.

Ayon kay Tournament organizer Bong Buto, magsisilbi ring itong warm tournament sa lahat ng executive players sa bansa na naka schedule na lumahok sa 2018 Alphaland National Executive Chess Championships sa Enero 27, 2018 sa Alphaland Makati Place, Ayala Avenue, Makati City.