Kris at Juday, sanib-puwersa sa endorsement

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

KANYA-KANYANG hula ang netizens na nakabasa sa post ni Kris Aquino at sa photo nila ni Judy Ann Santos na kuha sa TVC shoot ng produktong kanilang ii-endorse.

Juday at Kris copy

Abangan nga natin kung tama ang hula ng nakararami na pampasarap sa mga lutuin ang produkto na pagtutulungan nilang palakasin ang benta.

Bago kinunan ang TVC, nag-post si Kris ng, “Very excited to be shooting a TVC tomorrow for the 1st time ever w/ an actress I consider to be 1 of our country’s most talented. #grateful.”

Kinabukasan, sa TVC shoot, heto ang post ni Kris: “It’s such a wonderful feeling to still be excited about new experiences… it was fun to be nervous again because it made me realize there’s still so much I haven’t done & so much for me to look forward to. Thank you @officialjuday. Another in my career bucket list! #grateful.”

Sumagot si Judy Ann ng, “It was a happy shoot @krisaquino as always.:).”

Kahapon, pumirma si Kris ng bago pang endorsement at sa mga susunod pang araw ay marami pang pipirmahang endorsement, kaya abang na lang tayo.

Samantala, touching ang kuwento ni Kris na inihatid ni Josh ang parents nina Gerbel, Bincai at Raquel sa bahay ng una sa Lancaster pagkatapos ng kasalan last Wednesday.

“Kuya Josh was just the sweetest, he asked if it was okay for him to make hatid “nanay” & “tatay” to Gerbel’s home in Lancaster — care bears siya sa layo ng biyahe to Cavite, he just wanted to make sure the Luntayao family got home comfortably & safely. #family #lovelovelove.”