Boracay alerto sa Ati-Atihan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Jun N. Aguirre

BORACAY ISLAND, Aklan – Naka-red alert ngayon ang Boracay Police sa inaasahang dagsa ng mga turista at deboto para sa sariling bersiyon ng Sto. Niño Ati-atihan Festival ng Aklan.

Ayon kay Senior Insp. Jose Mark Anthony Gesulga, hepe ng Boracay Police, mahigpit na ipinagbabawal sa nasabing kapistahan ang pagdadala ng mga bote ng alak at mga patalim, maging knuckled belt, lalo na sa front beach.

Magpapatupad din ng gun ban kaugnay ng Ati-Atihan bukas, Enero 14.