Bela-Carlo movie, babanggain ang sikat na Hollywood movie

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

Hindi na “wala pa” o “happy project muna” ang isasagot nina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal kapag tinanong kung ano ang title ng Spring Films (dalawa sila sa mga may-ari) movie na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla.

Carlo at Bela copy

Meet Me in St. Gallen ang title ng movie na showing sa February 7, sa direction ni Irene Villamor. Nakakatuwa ang post ni Direk Irene na, “MEET ME IN ST. GALLEN in cinemas FEB. 7 na! Kasabay po ng Fifty Shades pero puwede rin po ito sa mga mapupusok at may mga pagnanasa!”

Spring Films ang nagprodyus ng box-office hit na Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy. Naalala namin, sumasama sina Piolo at Direk Joyce sa malls showz at maging sa presscon, present din sila.

Ang napansin namin sa billing ng movie nina Carlo at Bela, nauna ang pangalan ni Bela kahit mas senior si Carlo sa sa kanya.