Ayra Mariano, babaeng beki sa ‘TOTGA’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

MAGANDANG birthday gift kay Ayra Mariano (kaarawan niya noong January 10), ang pagkakasama niya sa cast ng The One That Got Away. Nagbiro siyang 19th birthday presentation niya ang pilot airing ng TOTGA sa Monday, January 15 sa GMA-7.

Ayra copy copy

“Ang birthday wish ko ay steady career at mukhang ibinigay naman sa akin dahil kasama ako sa TOTGA na isang masayang show. Ako si Ekay dito, sister ni Alex (Lovi Poe) at challenge sa akin kung paano ko gagawing maging colorful ang karakter ko. Happy and gay lang ang karakter ko at ang dialogue ay dialogue ng mga beki. Masaya siyang gawin at enjoy ako,” kuwento ni Ayra.

Si Migo Adecer bilang si Sam ang love interest ni Ayra, ang kaso’y ang Ate Alex niya ang type nito. Pero hindi siya susuko at gagawin ang lahat para sa kanya mahulog ang loob ni Sam at nakakatawa ang mga gimik na gagawin niya.

Adjustable si Ayra dahil nang itambal siya kay Ken Chan sa Meant To Be, may chemistry sila. Lumabas din ang chemistry nila ni Bruno Gabriel nang pagtambalin sila sa G.R.I.N.D na aming sinubaybayan sa GMA-7.

Ang lakas ng potential ng G.R.I.N.D lalo na sa millennials na manonood, mali lang ang time slot na very late Saturday evening, kaya hindi napansin. Sana totoo ang ibinalita ni Ayra na ibebenta sa GMA News & Public Affairs ang show na ‘pag nangyari, magkakaroon ng Season 2 ang show.

Kung totoo, sana earlier ang time slot para muling mapanood sina Bruno, Benedict Campos at Jazz Ocampo.
Nanghihinayang kami sa potential ng tatlong ito kasama na si Ayra at potential ng G.R.I.N.D na mahusay na naidirehe ni Monti Parungao.

While waiting for the return of G.R.I.N.D, panoorin muna natin si Ayra at ang mga kagagahan ng karakter niyang si Sam.