Ayo, nakipagpulong na sa Uste staff

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

IPINAKILALA ang bagong head coach ng University of Santo Tomas men’s basketball team na si Aldin Ayo sa mga miyembro ng kanyang coaching staff na makakatulong niya sa kabuuan ng panunungkulan niya bilang mentor ng Growling Tigers.

Batay sa larawan at ulat na inilabas ng Varsitarian, ang official publication ng UST, ang mga magiging assistants ni Ayo ay sina Mcjour Luib, Kristoff Co, Bonnie Garcia, at Rene Baena..

Si Garcia ay dating coach ng Lyceum of the Philippines bago ito naging miyembro ng NCAA, Laguna Lakers sa MBA, Colegio de San Lorenzo sa NAASCU at Sta. Lucia sa Pilipinas Commercial Basketball League habang dating assistant mentor ng Adamson’s junior team si Baena.

Dating manlalaro ni Ayo si Luib sa Letran at kasama na rin niya maging si Co, bilang staffs sa De La Salle mula noong 2016.

Nangako naman si Ayo na bibigyan ng patas na pagkakataon lahat ng players ng Tigers sa kanyang programa.

“Rest assured everyone will be given equal opportunities,” saad ni Ayo sa ulat ng Varsitarian’s. “We’re going to have the whole season for that and we’ll make it final before the UAAP starts.”

“We’re going to maximize their potentials. I’m just going to allow them to play, make sure they enjoy the game and of course we’re going to instill the work ethic that we want because this season, we’re going to be the hardest working team.”